top of page
Writer's pictureSTUDENTDESK IMS

SD IMS EVENT : Buwan ng Wikang Pambansa

Updated: Sep 6, 2023


SD IMS ALERT: UPDATE: Buwan ng Wikang Pambansa Mga Minamahal naming Magulang; Ang STUDENTDESK INTEGRATED MONTESSORI SCHOOL (SD IMS) ay magdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan sa darating na ika-08 ng Setyembre 2023 (Biyernes) alinsunod sa kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon na pangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon ay “ Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan". Ang sumusunod ay ang layunin ng nasabing pagdiriwang: Ipakita ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa lahat ng mga aktibidad na may kaugnayan sa 'Buwan ng Wika’ Kaugnay sa tema at layunin ng pagdiriwang, nais naming maipabatid sa inyo ang mga magaganap na aktibidades na gagampanan ng mga mag-aaral. Magkakaroon ng aktibidades sa loob ng silid aralan (CDE hanggang Grade 6) at mayroon ding mga patimpalak. Ang mga patimpalak ay bukas para sa lahat ng mag-aaral mula Una hanggang Ika-anim na Baitang (Grade 1 to 6).

  • Ang pagsali sa patimpalak ay boluntaryo, ngunit ang lahat ay hinihikayat na sumali.

  • Isang patimpalak lamang ang pwedeng salihan ng bawat mag-aaral.

  • Ang mga lalahok sa patimpalak ay bibigyan ng puntos para sa Performance Task sa mga asignaturang FIlipino, Araling Panlipunan, at MAPEH.

  • Ang mga mananalo sa patimpalak (Una hanggang Ikatlong gantimpala) ay magkakaroon ng dagdag na puntos sa Performance Task sa mga nabaggit na asignatura sa itaas.

Maaring pumili ng patimpalak na sasalihan ng bata mula sa link na ito:

Maaring pumili ng patimpalak hanggang Lunes, Agosto 28, 2023.


Iskedyul (Setyembre 08, 2023)

​Level

​Arrival

​Dismissal

​Nursery & Kinder

​1 PM

​2:30 PM

​Grade 1,2,3

​8 AM

​12:35 PM

​Grade 4,5,6

​7 AM

​1:20 PM

Kasuotan: Maaring magsuot ang mga mag-aaral ng anumang Sustainable Filipino attire (Recycled or Reused). Pagkain: There's no need to bring Filipino food or merienda; simply pack your child's regular meals.

Maraming salamat sa inyong aktibong pakikibahagi at kooperasyon. Lubos na gumagalang, SARAH ALBERTO-TORDESILLAS Program Director EMERSON O. FABABAER Executive Head

416 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page