Mga Minamahal naming Mag-aaral at Magulang,
Ang STUDENTDESK INTEGRATED MONTESSORI SCHOOL (SD IMS) ay magdiriwang ng Buwan ng Wika alinsunod sa kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon na pangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.
Ang mga sumusunod ay ang layunin ng nasabing pagdiriwang:
Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito; at
Ipakita ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa lahat ng mga aktibidad na may kaugnayan sa 'Buwan ng Wika’
Ang aktwal na pagdiriwang ay gaganapin sa ika-31 ng Agosto, 2022, Miyerkules. Para makasali, pumunta lamang sa inyong KindrEd site at pindutin ang join video call. Maaaring magsuot ng kasuotang naaangkop sa Buwan ng Wika ngunit ito ay hindi kailangan o required.
Alinsabay sa tema at layunin ng pagdiriwang, nais naming maipabatid sa inyo ang mga magaganap na aktibidades na gagampanan ng mga mag-aaral.
Maaaring i-download ang mga aktibidades o gawain ng mga mga-aaral, I-click lamang ang sumusunod na grade level upang makita ang kabuuan ng programa.
Comments