top of page
Writer's pictureSTUDENTDESK IMS

Buwan ng Wika at Kasaysayan



30 Agosto 2024


Mga Minamahal na Magulang,


Ang STUDENTDESK INTEGRATED MONTESSORI SCHOOL (SD IMS) ay magdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan sa ika-6 ng Setyembre 2024 (Biyernes). Ang tema para sa taong ito ay “Filipino: Wikang Mapagpalaya.”


Ang layunin ng pagdiriwang ay:


  • Pagtibayin ang kamalayan sa kahalagahan ng Wikang Filipino bilang instrumento ng pagpapalaya.

  • Itaguyod ang pagmamalaki sa ating wika at kultura.


Kaugnay nito, naghanda ng iba't-ibang aktibidades ang mga guro na maaring salihan ng mga mag-aaral. May patimpalak sa pagsulat ng sanaysay, spelling bee, pagdidisenyo ng salakot, paggawa ng miniature na bantayog o simbolo ng iba't-ibang lugar sa ating bansa, at marami pang iba.


Iskedyul (Setyembre 06, 2024)

Antas

Arrival

Dismissal

Preschool to Grade 3

​11:00 AM

​1:30 PM

Grades 4, 5, and 6

​8:00 AM

​10:30 AM

Kasuotan

Ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang magsuot ng kasuotan na akma sa tema ng Buwan ng Wika sa araw ng pagdiriwang (maaring recycled o reused). Hindi kailangang gumastos ng malaki para dito.


Pagtatanghal

May inihandang pagtatanghal ang bawat antas sa araw ng pagdiriwang tulad ng pagsayaw, pag-awit, at sabayang pagbigkas.


Salu-salo

Magkakaroon din ng munting salu-salo para sa mga mag-aaral. Maaaring itanong sa guro ng inyong anak ang mga detalye tungkol sa nakatakdang pagkain.



Para sa anumang katanungan o paglilinaw, maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa guro ng inyong anak gamit ang Google Chat.

Maraming salamat sa inyong aktibong pakikibahagi at suporta. Lubos na gumagalang, SARAH ALBERTO-TORDESILLAS Program Director EMERSON O. FABABAER Executive Head

249 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page